Sunday, October 15, 2017

Fake News ba ng binabasa mo?

,
Namatay na daw si Robin Padilla. May bank account daw si Trillanes sa Singapore. At kung ano pang iba. Tila noon, wala pang fake news sa panahong wala din ang social media. Pero una nating narinig ito noong eleksyon 2015 – kung ano-anong balita at chismis na nagpapanggap na totoong balita ang lumutang lalo na sa social media. 

Isa ang “fake news” sa mga bago at kontrobersyal na isyu sa bansa at mundo ngayon. Noong nakaraan lang, may hearing sa Senado tungkol sa fake news na pinapakalat diumano ni Mocha Uson sa kanyang sikat na blog. May nasulat sa Manila Times na fake news pala ang basehan. Tila hindi na tayo sigurado kung totoo nga ba o 'fake' ang ating binabasa. Paano nga ba natin makikilala kung ang balita ay tunay o hindi?

Dahil sa social media, marami sa atin na sa internet na lang kumukuha ng balita. Ngunit sa internet, kahit sino pwedeng gumawa ng blog o website at makasulat dito ng kung ano-ano at magpanggap na may tunay na balita ngunit may ibang dahilan. May ilan na propaganda lang, may ilan na gusto lang ng maraming page views para rin mas maraming views ang mga advertisements para kumita sila. 

Dahil isa itong problema sa social media, kahit na ang Facebook ay may mga ginagawa nang paraan para mabawasan ito. Ito ang ilan sa kanilang mga guidelines kung paano makikilala ng isang ordinaryong gumagamit ng social media ang fake news:

  • Masyado bang nakakagulat ang news na parang hindi na totoo? Marahil ay hindi nga. 
  • Tingnang mabuti ang URL o web address ng isang website. Minsan, makikita natin na sinusunod nito ang pangalan ng isang sikat o lehitimong news site. 
  • May mga sources ba ang binabasa mo? Kung hindi pa ito kilalang website, imbestigahan muna ang website at basahin kung sino sila. 
  • Maraming website na may fake news ay madalas maraming mali sa grammar, spelling, o pagsulat. 
  • May ebidensya ba? Basahing mabuti ang news site kung may nakalagay na sources. Kung wala, o hindi pinapakilala ang source, marahil ay fake ito. 
  • Satire ba ang news site na ito? Minsan, may mga website na sadyang fake ang news para ma-entertain ang mga mambabasa, at kadalasan joke lang pala ang mga news dito. Isang halimbawa ang blog na So What's News. I-check kung may 'disclaimer' o mensahe na nagpapahayag na hindi totoo ang mga news dito at 'for entertainment purposes only'.


Ang IFLA o International Federation of Librarians ay meron ding simpleng graphic para malaman natin kung fake news ba ang ating binabasa o hindi:



Bilang mga tagabasa ng news, hindi lang dapat tayo basta-bastang naniniwala sa mga nakikita at nababasa sa internet nang walang sapat na ebidensya. Bago i-share, mag-imbestiga at mag-research muna.

This was written for the Saranggola Blog Awards 2017. SBA 2017 sponsors:
Share:

0 comments:

Post a Comment