Ad

Kalye [isang tula]


I wrote this because of a mistake. I thought "Kalye" was the theme of a blog writing contest, but I got it wrong. I just thought it was worth posting here, though in real life I dislike love stories but most people love them. This is just all in theory, with no experience. Anyway it was a fun moment writing it. Enjoy.


Nakita kita sa kalye,
pagkatapos ng ilang taon.
Pitong taon na ba o walo?
Mula nung iniwan mo ako.
Sa kalye din.

Tadhana nga ba yun noon?
Na lagi talagang magkikita
ang ating mga landas.
Magkakilala lang sa itsura,
at mga mata.

Hindi ko na maalala,
saan ba tayo nagsimula?
Mula sa kalye,
naging parte ka ng aking buhay.
May mga masayang araw din.

Nung huli kitang makita,
Papunta ka na pala sa airport.
Hindi man lang sinabi,
na aalis ka na.
Sana sinabi mo na lang.

Nakita ko sa Facebook mo.
May binalikan ka pala,
sana sinabi mo man lang.
Di na sana ako umasa.
E bakit pa ba tayo nagkita?

Ngayon, hindi inaasahang panahon.
Sobrang bihirang pagkakataon.
Sa lahat ng lugar, dito.
Sa lahat ng tao, ikaw.
At sa isang saglit napatigil ka.
Tayo'y napatitig sa isa't isa.

Nag-on ang green light.
Marami nang tao, at tumawid na tayo.
At sa gitna ng daan,
ikaw mismo ang nasa harap ko.
"Patawad," sabi mo.

"Okay na yun," sabi ko.
Ngunit mabilis na ang oras,
at tayo'y nagmamadali.
Nagpatuloy akong maglakad.
Nang lumingon ako,
Wala ka na.

Isang tao sa karamihan,
isang butil ng buhangin sa dagat...
Yun na ang huling beses
na tayo'y nagkita...
sa kalye.

Post a Comment

0 Comments